Salapi: Isang Online Treasure Hunt Para sa Ikaapat na
Taon ng High Scho
Sinulat nina L. Perjes at P. Arinto
Panimula
Noong unang panahon, kung hindi nila kayang punan ang kanilang mga
pangangailangan sa pamamagitan ng pagtatanim ay nakikipagpalitan ng produkto
ang mga tao sa sistemang barter. Ngayon, upang makuha ang kailangan ay
gumagamit tayo ng salapi o pera.
Ano ang salapi? Saan ito nanggaling? Bakit pababago-bago ang halaga ng
salapi? Paano itinataya ang halaga ng salapi?
Sasagutin natin ang mga katanungang ito sa tulong ng mga "weblink". Basahin
ang mga tanong sa ibaba at hanapin ang sagot sa mga website na nakalista.
Pagkatapos ay sagutin ang Malaking Tanong.
Gagawin ninyo ito sa mga pangkat na binubuo ng tatlo hanggang apat na
mag-aaral.
O, handa na ba kayo? Halina’t mag-ipon tayo ng baul ng kaalaman tungkol sa
salapi.
Mga Tanong
- Ano ang mga modernong anyo (forms) ng salapi? Magbigay ng tatlong anyo.
- Ano ang pagkakaiba ng commodity money at fiat money? Alin sa mga ito
ang Philippine peso?
- Depreciation ang tawag sa mabilis na pagbaba ng halaga ng pera o
salapi. Paano o bakit ito nangyayari? Ano ang tawag sa pagtaas ng halaga
ng salapi?
- Bakit pabago-bago ang exchange rate?
- Peso ang pera sa anu-anong mga bansa? Alin ang pinakamaliit ang halaga
kung ihahambing sa US dollar?
- Ano ang layunin ng monetary policy?
- Sino ang nag-imbento ng perang papel (paper money)?
- Ano ang Gold Standard?
- Ano ang tawag sa unang “coins” sa Pilipinas?
Mga Sanggunian
Central banks
http://en.wikipedia.org/wiki/Central_bank/Monetary_policy
Exchange rate
http://en.wikipedia.org/wiki/Exchange_rates
Peso
http://en.wikipedia.org/wiki/Peso
Paalala: I-click ang mga link sa pahinang ito.
Currency
http://encarta.msn.com/encnet/refpages/refarticle.aspx?refid=761579205
Money
http://encarta.msn.com/encnet/refpages/RefArticle.aspx?refid=761556418&pn=1¶=7#p7
Kasaysayan ng pera o salapi (History of money)
http://www.pbs.org/wgbh/nova/moolah/history.html
Ano ang pera o salapi (What is money)
http://www.british-museum.ac.uk/worldofmoney/world_what.html
http://www.socialstudieshelp.com/Eco_Money.htm
Ang kuwento ng pera (The story of money)
http://www.bsp.gov.ph/about_bsp/moneymuseum/discover/page_01.htm
Paalala: I-click ang mga link sa susunod na pahina upang makita ang buong
kuwento.
Malaking Tanong
Gumawa ng isang poster na tumatalakay sa "Kahalagahan o Papel ng Salapi sa
Ekonomiya". Dapat may text at litrato o guhit ang poster.
Isang poster lamang ang gagawin ng inyong pangkat. Magtulungan kayo sa
pagbubuo nito. Tiyakin na ang bawat miyembro ay may ambag sa isusumite ng
pangkat.
Isumite ang inyong poster sa susunod na linggo.
|