Ang Kultura ng Timog Silangang Asya: Isang Pagsusuri ng
Ilang Teksto
Isang Online Treasure Hunt Para sa Ikalawang Taon ng High School (Filipino)
Sinulat nina O. Ferrer at P. Arinto
Panimula
Gaano kahalaga ang ating pagiging mula sa Timog Silangang Asya? Ano ang alam
natin tungkol sa rehiyong ito na ating kinabibilangan? Mayroon ba tayong
alam tungkol sa mga kultura ng ating mga karatig-bansa? Ano ang kaibhan at/o
pagkapareho ng kanilang kultura sa kulturang Pilipino?
Masasagot natin ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng ilang
teksto tungkol sa kultura ng Indonesia at Malaysia, dalawa sa mga bansa sa
Timog Silangang Asya. Magbabasa din tayo ng ilang teksto tungkol sa
kulturang Pilipino. Karamihan sa mga tekstong ito ay nasa salitang Ingles.
Dahil Filipino ang ating asignatura, magsasanay din tayong magsalin ng
impormasyong ating nababasa sa sariling wika.
Sa pangkat na binubuo ng tatlo hanggang apat na miyembro, hanapin ninyo ang
mga sagot sa mga tanong sa ibaba sa mga teksto mula sa Internet. Ang mga
website kung saan makikita ang mga teksto ay nakalista na; i-click na lamang
ninyo ang URL o address ng bawat isa upang mabasa ito. Pagkatapos ninyong
sagutin ang mga tanong ay sagutin ninyo ang Malaking Tanong.
Mga Tanong
- Ano ang relihiyon ng nakararami sa Malaysia at Indonesia? Mayroon din ba
ng relihiyon na ito sa Pilipinas? Bakit hindi ito ang relihiyon ng nakararami
sa Pilipinas?
- Aling mga salita sa Bahasa Malaysia ang may katulad (magkatulad ang tunog
at kahulugan) sa Tagalog? sa Bisaya?
- Isa sa mga pagpapahalagang Pilipino ang pagbibigay galang sa mga matatanda
at nakakatanda. Mayroon din ba nito ang Malaysia? Ano pang mga kaugalian ng
mga Pilipino at mga taga-Malaysia ang magkapareho?
- Magbigay ng ilang pangungusap na naghahambing ng kultura ng pista (fiesta)
sa Pilipinas at Malaysia.
- Sa unang tingin sa ilang aspeto ng Indonesia bilang bansa, ano ang
masasabi ninyong katulad ng mga ito sa lipunang Pilipino?
- Kagaya ng mga Pilipino, mahilig sa sabong ang mga taga-Indonesia. Ano ang
mga pakahulugang pangkultura ng sabong sa Indonesia?
- Ano ang apat na tema (theme) sa kultura at kasaysayan ng Timog Silangang
Asya?
Mga Sanggunian
Tungkol sa Indonesia
http://www.my-indonesia.web.id/public/about_indonesia.asp
http://indahnesia.com/Indonesia/Indonesia.php?code=INDCOC
http://www.budpar.go.id/gallery.html
Kultura ng Malaysia
http://www.dalat.org/pdf/malaysianculture.pdf
http://tourmalaysia.tripod.com/culture.htm
http://tourmalaysia.tripod.com/festivals.htm
http://pgoh.free.fr/l61apa_ini.php
Kulturang Pilipino
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/ESSAYS/pistang_bayan.htm
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Intermediate_Thematic_Lesson/Lessons/
Paniniwala/culture.htm
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/ESSAYS/ang_pagkaing_pilipino.htm
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Cynthia/onlyinpinas/cockfighting.htm
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_Default_files/Philippine_Culture/philippines_in_southeast_asia.htm
Kultura ng Timog Silangang Asya
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_Default_files/
Philippine_Culture/important_themes_in_southeast_as.htm
Malaking Tanong
Magsaliksik tungkol sa ISANG bagay, kaugalian, o pagpapahalaga na
matatagpuan sa Pilipinas, Malaysia, at Indonesia. (Samakatuwid ito ay isang
bagay na mayroon ang tatlong bansa.) Maghanap ng ilang larawan tungkol dito
at pagkatapos ay sumulat ng maikling sanaysay na nagpapaliwanag sa bagay na
ito. Ilang halimbawa ng mga bagay na maaaring ninyong saliksikin at gawan ng
sanaysay ay ang mga sumusunod: pagkain, pananamit, paggawa ng basket,
paghabi ng tela, relihiyong Islam, mga impluwensiya ng kabihasnang Tsina,
pagiging maka-Diyos, at pagpapahalaga sa pamilya.
Kinakailangang buong pangkat ang gagawa ng pananaliksik at pagsusulat.
Paghahati-hatiin ninyo ang mga gawain para sa proyektong ito. Siyempre pa,
Filipino ang wika ng inyong sanaysay. Huwag kalimutang itala pagkatapos ng
sanaysay ang mga sangguniang ginamit o pinagkunan ninyo ng impormasyon.
Maaaring gumamit ng mga libro, magasin at Internet. Kailangang orihinal na
gawa ang sanaysay at hindi kinopya lamang o pinagtagpi-tagpi mula sa mga
sanggunian.
Isumite ang sanaysay na may kasamang larawan makalipas ang dalawang linggo.
Ipagdiwang natin ang ating pagiging Asyano!
|