Ang Pamilyang Asyano: Isang Online Treasure
Hunt
Para sa Ikalawang Taon ng High School (Filipino)
Sinulat nina M.C. Crusio at P. Arinto
Panimula
Itinuturing ang pamilya na “basic unit of society”. Madalas, kapag naririnig
ang salitang pamilya, inaakalang isa lamang ang kahulugan nito. Ngunit
iba-iba ang istruktura ng pamilya sa bawat kultura.
Sa araling ito, tutunghayan natin ang istruktura at pagpapahalaga sa pamilya
sa tatlong bansang Asyano: Tsina, Thailand, at India. Aalamin natin ang mga
katangian ng mga pamilya sa iba’t ibang lipunang ito sa pamamagitan ng
pagbabasa ng ilang teksto sa Internet.
Ito’y isang gawain pampangkat. Tatlo hanggang apat na miyembro sa bawat
pangkat. May mga tanong sa ibaba na magsisilbing gabay sa pagbabasa at
pagsusulit na rin kung naunawaan ninyo ang mga tekstong binasa. Isulat ang
inyong mga sagot sa mga tanong. Pagkatapos ay sundin ang panuto sa Malaking
Tanong.
Mga Tanong
- Ilang pakahulugan (definition) ang ibinibigay sa salitang pamilya. Matapos
unawain ang mga ito, magbigay ng inyong sariling pakahulugan.
- Ang salitang Thai na tumutukoy sa tatay ng iyong nanay ay “pu”. Ano ang
katumbas nito sa Tagalog? Sa Bisaya? Pumili ng tatlo pang katawagang Thai sa
mga kapamilya at ibigay ang mga katumbas na katawagan sa Filipino.
- Ano ang mga pagkakatulad ng tradisyunal na pamilyang Thai sa pamilyang
Pilipino? Maglista ng tatlong pagkakatulad.
- Ilang uri ng istruktura ng pamilya mayroon sa India? Aling istruktura ang
sinusunod ng nakararami doon?
- Ano ang di nagbago sa istruktura ng pamilyang Tsino? Ano ang nag-iba?
- Ano ang tradisyunal na anyo ng “extended family”? Ano naman ang makabagong
anyo nito?
Mga Sanggunian
Contrasting Definitions of the Family
http://www.iol.ie/~hlii/family.html
Learning Thai
http://www.learningthai.com/family.html
Thailand Life
http://www.thailandlife.com/thaifamily.html
Ang Pamilya
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/
Intermediate_Thematic_Lesson/Lessons/PamilyangPinoy/pamilyang_pinoyfs.htm
Mahalaga: Pag nabuksan na ang Web page na ito ay i-click ang salitang
“Culture” sa kaliwang bahagi ng screen. Doon makikita ang sanaysay na may
pamagat na “Ang Pamilya”.
Indian Family Structure
http://www.complete-india.com/family.php
Chinese Family
http://www.birmingham.gov.uk/text/GenerateContent?
CONTENT_ITEM_ID=777&CONTENT_ITEM_TYPE=0&MENU_ID=10080&EXPAND=10071
Are Asian Family Values the Future?
http://news.bbc.co.uk/2/hi/uk_news/689159.stm
Malaking Tanong
Ngayon ay tunghayan naman ninyo ang inyong sariling pamilya. Ano ang
istruktura ng inyong pamilya? Anong mga pagpapahalaga ang nagbibigkis sa
inyong pamilya? Ano ang mga pagbabagong naganap o nagaganap sa inyong
pamilya sa pagdaan ng panahon?
Sagutin ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng isang sanaysay na may
pamagat na “Ang Aming Pamilya”. Tiyaking maayos ang daloy ng inyong sanaysay
mula sa introduksyon o panimula hanggang sa katawan at hanggang sa
konklusyon o panghuli. Hindi kinakailangang sagutin ang mga tanong sa itaas
nang sunod-sunod. Sa halip ay isulat ang mga ideya o kuro-kurong nais
ninyong ipahawatig sa pinakalohikal na pagkakasunod-sunod. Gawing kaayaayang
basahin ang inyong sanaysay sa pamamagitan ng paggamit ng mga angkop na
salita, mga halimbawa o konkretong detalye, at siyempre pa, wastong baybay
at balarila (grammar).
Bawat isa sa inyo ay susulat ng sanaysay. Isumite ang sanaysay sa susunod na
pagkikita ng klase.
|