Mga Pamanang Romano
Isang Online Treasure Hunt
Para sa Ikatlong Taon ng High School (Araling
Panlipunan)
Isa sa mga pinakatanyag na kabihasnan sa kasaysayan ng daigdig ang kabihasnang Romano. Maraming aspeto sa modernong buhay ang namana natin sa kanila. Anu-ano ang mga ito? Tunghayan natin sa pamamagitan ng online treasure na ito.
Hanapin ang mga sagot sa mga tanong sa ibaba sa mga website na nakalista. I-click lamang ang website URL o adres upang mabuksan at mabasa ito. Pagkatapos ay sagutin ang Malaking Tanong.
Gawin ninyo ito sa isang pangkat na may tatlo o
apat na miyembro. Sama-sama ninyong alamin ang mga pamanang Romano.
Mga Tanong
1.
Anong mga teknolohiyang inimbento
at ginamit ng mga Romano ang ginagamit hanggang sa kasalukuyan?
2. Anong mga aspeto ng sistema ng pagbibilang ng mga Romano
ang makikita sa modernong sistema ng pagbibilang?
3. Paghambingin ang kalendaryong Romano at modernong kalendaryo.
Ilista ang mga pagkakatulad at pagkakaiba.
4. Anong mga asignatura ang pinagaaralan ng mga batang Romano?
Ano ang mga katumbas ng mga ito sa modernong paaralan?
5. Bakit nagkaroon ng “War of the Orders?” Sino ang magkatunggali
dito?
6. Ano ang nagsisilbing check at balance sa posibleng pang-aabuso
ng kapangyarihan ng mga consul?
7. Tumukoy ng dalawang konsepto at/o istruktura ng pamahalaan
na maaaring nanggaling sa sistema ng pamahalaan ng mga Romano.
8. Magbigay ng maikling paliwanag ng sistema ng patronage ng
mga Romano.
Teknolohiya ng mga Romano
http://www.bbc.co.uk/schools/romans/tech.shtml
http://myron.sjsu.edu/romeweb/ENGINEER/art2.htm
http://myron.sjsu.edu/romeweb/ENGINEER/art4.htm
Sistema ng pagbibilang
http://www.novaroma.org/via_romana/numbers.html
Kalendaryong Romano
http://www.clubs.psu.edu/up/aegsa/rome/romec.html
http://library.thinkquest.org/26602/timedates.htm
Sumulat ng maikling sanaysay (tatlo hanggang apat na talata) tungkol sa ISA sa mga sumusunod na paksa:
1.
“Kung Bakit Natin Kailangang Makilala
ang Kabihasnang Romano”
2.
“Ang Pinakamahalagang Pamana ng Kabihasnang
Romano” (mula sa iyong sariling punto de bista—samakatwid, aling pamanang Romano
ang pinaka nagugustuhan mo)
Bawat isa sa inyo ay susulat ng sariling sanaysay.
Isumite ito sa susunod na pagtatagpo ng klase.
Sinulat nina G. Depositario at P. Arinto